Saturday, June 11, 2016

Sino Nga Ba Si AlExOnZe?


Anong Meron Kay AlExOnZe Bakit Tao Na Ito'y Pinag Uusapan Online At Offline Ke Good Or Bad?

Ako'y simpleng tao gaya ng karamihang tao bilang isang Filipino may simpleng pangarap ngunit may malaking adhikain sa buhay



Family Backround

Nagmula ako sa masalimuot at mapag larong pagkakataon mula sa aking pagka bata hanggang umidad ng 34 years old. Kinikilala ako ng relatives at mismong pamilya ko nawalang alam tamad walang magiging magandang kinabukasan pagiging mangmang sa buhay lamang aking ginagawa, pagpapa gwapo japorms inom yosi barkada pagiging iresponsableng tao etc... ako na pinaka walang kwentang tao tanga bobo! Pero lumipas ang panahon lahat ng sinabi nila kinain nila at napaka layo ng mga sinabi predictions nila sa aking future mga taong nagsasabi sakin tanga at bobo walang kwenta ako SILA PA MISMO may malaking pinakinabangan sakin at sakin SILA mismo umasa dumantay TILL NOW! 

Nagsimula ang aking buhay sa magulong pamilya at isang araw nagbago ihip ng hangin sa aming pamilya na kung saan ang pangarap ng karamihan ay nakamit ng aking magulang at sa pamamagitan non ang buhay namin unti-unting nag bago hanggang sa dumating sa punto isang napaka gandang lugar na kung saan maraming nagpapakamatay at nagsasanla ng kaluluha para lamang makarating sa espesyal na lugar na iyon (U.S) 

Lahat ng bagay ay meron sa amin masagana sa pagkain pananamit kasangkapan edukasyon kalusugan at kinikilala respetadong pamilya. Mga bagay na tangging para lamang sa panaginip mangyayari at makukuha. Ngunit ang buhay ay sadyang hindi isang para lamang fairy tale na laging may happy ending. Sa kahihiyang ng aking magulang at ng buong pamilya ng dahil sa maling desisyon ng aking magulang kami ay unti-unting bumagsak

Inuwi kaming magkakapatid sa pinas sa pag aakalang magbabakasyon lamang kami at iiwan sa pinas isa sa kapatid namin na problematic ngunit may naka kubli palang agenda aking magulang sa mga panahon na iyon sinadya nyang iwan kami sa pag aakalang sa simpleng PADALA magiging maayos na ang lahat pero aking magulang nagkamali sa kanyang mga naging desisyon at don na nag umpisa aming kalbaryong magkakapatid

Kada padala ng aming magulang hindi kami ang totally nakikinabang sa padala kundi kasama na kamag anak, nasira aming pag aaral "lalo na ako" lahat ng ari-arian ng pamilya ko naubos mula Amerika hanggang pinas nalagas nasunog nalusaw sa loob lamang ng 3 years kahit pa kami ay considered milyonaryo in both world pinas at U.S

Pero bago nangyari mga bagay-bagay na yan bata palang ako di ko na nakita nakilala narinig di ko alam mismo ang itsura ng mismong tatay ko kilala ko lang sya sa kwento ng nanay at kamag anak ko kahit simpleng larawan di ko na sya nasilayan "tumingin ako sa salamin para ko lang nakita itsura ng aking tatay"

Lumaki ako sa kamay ng aking lola sya aking nanay tatay at mga pinsan ko nagsilbing ate kuya na tumatayong kapatid ko habang ako'y lumalaki hanggang sa nag binata. pero bago ako nagbinata nag daan ako sa paglalaro ng Syato Jocks Stone Luksong Tinik Luksong Baka Patentero Saksak Puso Teks Holen Turumpo Latang Degulong ng Alaska Alpine Carnation Saringgola Pang huhuli ng tutubeng kalabaw tutubeng karayong salagubang gagamba pag akyat ng punong duhat alateris bayabas mangga chesa atis pitas ng kamyas malunggay himababao ng kapit bahay naglaro ng bahay-bahayan hanggang ako'y nag aral finally grade one elementary directly.   

Lumaki ako nang hindi ko na nakilala tatay ko at buhay man nanay ko pero wala sya sa tabi ko PADALA lang aking napapala hindi sya nag ambag sakin ng equal time mula pagka bata hanggang naging binata na ako kaya kada scenarios na ako'y natatakot naaapi namumublema nagkakasakit nalulungkot nalulumbay mag isa ko itong hinarap na para bang walang may paki alam sakin ang mundo mga panahon na iyon. Nag aral ako grade one elementary sa public school at pinaka highest na naachieve kong grades ay 75 pinaka lowest 69 mga panahon na iyon bagsak ang line of 75 pero naging pasang awa ako at nag grade two ako pero unang year na sana grade two na ako ay nahinto pag pasok ko kasi yung panahon na akala ng nanay ko makaka alis na ako papunta ng U.S pero nadelay U.S visa ko kaya sumunod na taon ako naka pasok grade 2 pero di ko pa man natatapos grade 2 naka alis na ako papuntang amerika. 
Pag dating ng america para akong taong bundok na inusente sa lahat ng bagay nalula sa kung gaano kalaki pamamahay na aking nadatnan sa U.S isang malaking apartment na pag mamay ari ng aking step dad na naka locate sa very exclusive at high class na lugar sa California.
Pagka rating ko ng america naging grade 5 agad ako kahit pa natapos ko lang sa pinas ay grade 1 pero nag iba yun agad-agad dahil di ko maintindihan ang teacher ko at mismong teacher ko nasisiraan ng ulo sakin dahil di nya rin ako maintindihan nagsasalita daw ako sa sarili kong language. kaya natransfer ako a Filipino Education Center kung saan most new residents mula sa kung saan-saang bansa ay nandon at don na ako natutong bumasa magsulat magsalita makipag communicate sa english matapos ng one year naka pasa ako as grade 4 tas bumalik ako sa dating school ko na malapit lamang sa bahay namin at bago pa ako matapos sa grade 5 don na mismo ng start ang problem sa pamilya ko.

                           EDUCATION

Pag dating sa pinas nangamote ako sa school at ginawa ko panay aral baon gala lang, pagkaka alam ko unang naging grade 5 ako sa pinas ang tanda ko na bumagsak pa ako kaya 2-3 years binuno ko para lang makatapos ng grade 5 na pasang awa nanaman tas pumasok ako grade six sa buong isang taon ng school isang araw lang akong pumasok aral baon ginawa ko tas lumipas nanaman 2 years saka ko naisip na pumasok ulit grade 6 idad ko non nasa 15 to 17 na yata ako non hindi ko pa rin natapos kasi hiyang-hiya na ako sa sarili ko non lalo na yung may parada na may hawak akong Philippine Flag mula non di na ako pumasok at tuluyang binura sa isip wag nang mag aral pa.

Idad 14 ako'y mag simulang mag yosi at uminom pag wala sa bahay nanay ko at sa tindahan ng lola ko panay dugas ang inabot ng tindahan nya sakin bumibili ako sa tindahan ng lola ko na kung saan bantay pinsan ko rin ka konchaba pa gagamit ako ng bato pang bili ikakatok sa mismong lalagyanan ng mga candy o sa grill ng tindahan tas makaka kuha ako ng pang food trip at may yosi tas may sukli pa! araw-araw almusal ko mura ng lola ko na abot kapit bahay sa uma-umagang pag gising ko na laging naririnig ng tao sa lahat ng demonyo gising na ako nalang ang tulog nag sabog at umulan ng grasya ang dyos ano pang grasya aking sasaluhin kung 11am tulog pa rin ako. Mga panahon na iyon ang pamilya ko considered mayaman di lang sa pilipinas di rin sa U.S kundi  considered pang worldwide pagiging mayaman ng pamilya ko non pero kahit ganon hinding-hindi kami umasta na bilyonaryo patuloy pa rin tumutulong nanay ko sa lahat habang kaming magkakapatid lumalaki lumilipas pagka bata binata dalaga ng wala sa piling ng natitira naming magulang which is aming nanay. hanggang sa lumipas pa mga panahong di ko na alam kung gaano katagal naka balik ako ng U.S na kung saan dati lagi kong pinapangarap na muling maka balik don hanggang may ilang gabi kasama ito sa aking panaginip na ako'y naka rating na muli sa U.S at the moment na lumapag ang eroplano akin pang hinalikan ang lupa ng California at sa panaginip ko nagwowork na ako sa mga high rise buildings at lahat ng iyon ay tunay na nangyari naka balik nga ako at nag work sa mga malalaki matatarik na buildings sa Market Street San Francisco California bilang security guard. 

                             HARDSHIPS

Aking buhay hindi naging ganong kadali sa U.S since ako'y walang natapos kaya lahat ng pinag gagawa kong kalokohan katamaran pagiging iresponsable aking pinag bayaran ng mahabang panahon nagpa alipin from 2001 till Oct 2015 kung saan idad ko ay 34 years old. Sa daming pinag daanan ko kung saan month of BER like Sept Oct Nov Dec pinaka malungkot at malas na panahon para sakin noon bakit kamo? Issues sa pera trabaho family relation nirerentahan discrimination etc... 

1. Umuulan malamig panahon naka tira sa car na rented lang na kung saan hinahabol na kami ng police kasi nireport na as stolen car aming nirentahan na walang pang bayad nanay ko
2. Tumitira sa mga cheap hotels kadalasan walang pang bayad pinalalayas kami pwersahang nilabas gamit namin at naka upo nalang kami sa front door ng hotel habang nagmamaka awang please don't throw our stuff my mom is about to come back and she'll pay you as soon as she gets here, pinagtatabuyan kami na parang aso
3. Kadalasang tirahan hindi namin afford apartment kaya laging room in law garahe storage room etc... 
4. Nakiki kain tulog hilamos sipilyo ligo sa mga taong di namin kilala
5. Natulog sa bus mag babayad ng saktong pamasahin, pinaka start ng terminal till sa dulo ng terminal sabay sakay ulit pabalik balik lang para palipas oras
6. Nanay ko para lang pulube nahingi ng pera balato sa mga kapya nyang sugalera buong araw gabi ganon gawiin nya pag susugal tas pag nanalo sya saka kami makakapag rent ng hotel na tag $70 to $100 para makapag unat maka lood konting tv maka tulog toothbrust hilamos ligo
7. Tuwing pasko at bagong taon habang nagpapaka saya karamihan worldwide kami naman itong sad poor frustrated sa buhay lalo na ang sarili ko kasi pamilya ko isa sa mga negative sa buhay ko mismo, naghahatakan kaming lahat pababa.

Lumipas pa mga panahon at unti-unti namulat ako sa katotohanan ang future ko sa U.S ay pagiging pulube na hinding-hindi ko naranasan sa pinas nagsikap ako sa work kahit mahirap para sakin kahit mapurol utak ko inisip ko di pwede pabobo-bobo kundi ko alam isang bagay alamin ko kahit mahirap pati pagiging mahiyain arte ko sa buhay lahat aking pinatay sa isip puso ko hanggang sa naging confident na ako sa buhay at nag sarili at don medyo napa buti ang buhay ko pero di naging ganong kadali kasi it took me years para marealize mga bagay-bagay pera luho trabaho pakiki salamuha pakikisama bagay sa mga tao. nag trabaho ako bilang security guad ng 2001 to 2009 at isang katutak na katangahan katatawanan kahirapan kabwisitan etc... nangyari

Naka tanggap ako ng tawag sa radio ang sabi na co-worker ko "S-one to S-2 Have You Seen Abreham?" Nasagot ko english na tagalog kasi iba naging translation sa isip ko at mismong nabigkas ko kahit alam ko naman dapat kong sabihin so nasagot ko ay "Yes I Just Saw Him While Ago He Just Past A Way" bwahahaha katangang di ko malilimutan nakita ko kasi yung tao dumaan at umalis palayo maling translation inabot ng isip ko non bwahahaha.

Matapos ng ilang panahon naka catch up na ulit ako till di ko na napansin lumipas na pala ang 10 year umikot buhay ko sa...

0. Trabaho bahay Bahay Trabaho
1. Bili dito bili dyn
2. Padala dito padala dyn
3. Pabor dito pabor dyn
4. Tuwing bakasyon sa pinas painom sa lahat ng tropa
5. Tuwing bakasyon sa pinas bili ng maraming bagong gamit at damit at pasalubog na mamahalin well branded items
6 Tuwing bakasyon mababa na ang 150k na baon
7. Tuwing bakasyon sa pinas at pag uwi iyak mukmok tadtad ng utang
8. Pag balik U.S di maka sagot sa phone hina-hunting ng mga creditors at credit bureau
9. Di maka bayad o laging kapos bayad sa rent
10. Sa sobrang kapos 2 days kumain ng isang balot ng tastey bread kasi 2 days pa bago mag payday
11. Walang pamasahi tuwing sahuran 1 2 3 inaabot ko lagi para lang maka pasok at after work lakad sa main office para kunin sahod at deretcho sa money changer kasi di pwede sa bank kakainin kasi ng bank deposit ko dahil OVER THE LIMIT ng credit line ko so sa money changer para maliit lang makaltas check cashing fee tas deretcho sa resto para kumain na parang di kumain ng ilang panahon ordering mga foods na di ko nakain sa naka lipas na 2 days na tinapay lang kinain matapos ng 8 to 16 hours of work sa iisang araw lang

Till di pa yun worst wala pa nawalan ako ng work dahil sa mga maling ginawa o maaring nagawa ko dati

1. Security guard una honest ako ng matuto na impluwensyahan ng tao di na ako nagro roving bastat alam kong sira yung ditext handheld device namin tas imbis na 1:30 mag roving gawin ko 30 min lang tas hahanap na ako ng pag tataguan at matutulugan sa Laudry Room Electrical Room Elevator Room Atik sa car sa kung sana pwedeng makapag pahinga at matulog since pang gabi ako non
2. Pumapasok para lang mag sign in tas kompleto pa rin ang sahod since ka-konchaba ko mga co-workers ko na ganon din ginagawa
3. Di nag bigay much love passion respect sa trabahong binigay sakin
4. May maling thinking na maliit lang sahod kaya di ako magwowork hard kundi work smart 

Kung ano-ano ano mga pinag gagawa ko na kung saan lahat ng ginawa ko ng nasa pinas ako pinag bayaran ko panay kahirapan kalungkutan kabwisitan kahinaan ng loob kawalan ng pag-asa till pati sa relasyon malas akong lalake pag dating din sa pag-ibig kinikilala tinatanggap lang ako dahil sakin pera dahil sa taga U.S ako.

                     PAGPAPA ALIPIN

Nasa U.S ako wala na akong ginawa kundi bahay trabaho bahay trabaho o kaya trabaho bahay trabaho bahay every day every week every month every damn years na lumilipas wala na akong naging puwang sa pakikipag tropa at girl friend dahil lagi kong katuwiran imbis na sayangin ko ang ginintuang 2 day off ko sa ganon ay itulog pahinga ko nalang kasi wala naman talaga akong nagiging day off kasi sa day off sa umaga lalarga na ako para mag hanap ng mga pang benta ko online at offiline nagpra-praktis mag gawa ng kung gadgets hinang etc... tas linis laba luto habang at the same time nagpopost sa ebay ng mga paninda at services na inooffer ko, mula pag gising hanggang sa pag tulog panay pagnenegosyo aking ginawa habang ako'y may full time job bilang butcher "isang business man kuno na alipin pa rin" kaya dumating ang araw na ako'y napuno na nagka sakit ako ng depression dating kinasisiya kinagagalak ko di ko na kayang ika siya pa di na ako natutuwa at nais ko nalamang mag wala sa araw-araw na ako'y nabubuhay sa ganong mundo na walang ibang kumakatok sa isip ko kundi ang suicide na kung saan ito'y kadalasan nangyayari sa mga taga U.S local resident man foren kadalasan nagpapakamatay sa sobrang alat ng buhay nila pero sympre di ko iyon ginawa kasi nag play positive pa rin ako kahit pa mismong sarili ko ay nalulunod na sa kalungkutan frustration depression pagka walang ng pag-asa.

Nagdaan nanaman mahabang panahon tuluyan akong kinarma sa mga maling ginawa ko na aking pinag sisihan ng mahabang panahon nawalan ako ng work 2009 umuwi ako ng pinas at nag give up sa buhay walang planong bumalik sa U.S baon ng utang sa U.S at pinas, laman ako ng mga tsismisan masama pa sarili kong relatives pa mismo gumagawa non pinag fiestahan ako ng tsimisan kung saan mga tao na iyon ay religious pa. nanay ko naman since ina sya inisp pa rin nya aking ikaka buti kung saan wala naman syang naging malaking ambag sakin na panahon bilang ina naisip nya sayang pagiging permanent resident ko sa U.S o green card ko kung ibabasura ko lang ng ganon dahil pinag hinaan na ako ng loob at nawalan na ng pag-asa gaya ng aking kuya na adik at frustrated din sa buhay so ginawa ng nanay ko kinulit nya pinsan ko paluwalan ako ng di ko nalalaman tas binilihan ako ng ticket alang-alang sa nanay ko mismo dahil nga noon buong relatives o angkan ko naka sandal sa pamilya ko nagkataon lamang na bumagsak kami at nag baliktad ang panahon na kami naman wala at sila meron kaya lalong sumiklab pang tsismis sakin kahit ayaw kong bumalik at kinalulungkot ko na para lang sinasaksak puso ko na ako'y babalik pa ulit sa U.S kinagat ko na rin at pinangako sa sarili pag bubutihin ko this time at patutunayan sa sarili kaya ko ring umunlad di lang dahil para sa kung ano mang paningin at sasabihin ng tao kundi may mapatunayan sa sarili at narealized ko rin kasi wala akong future sa pinas mga panahon na iyon 2009 umuwi ako nang utang pamasahin at bumalik ng labag sa loob ko sa U.S sept 2009 na utang pa rin galing yung ticket parang sinasaksak puso ko at iniyakan ko din mismo ang pinas na parang baklang lalake dahil di ko matanggap aking pagka bigo at di ko rin pala kayang ipag laban ang pangarap kong mag stay for good sa pinas sa kabila nang ako'y salat sa salapi at kaalaman.

Balik sa U.S the same old shit binalikan ko misirableng mundo na kung saan di pa ako sumasakay ng eroplano patungo U.S alam ko na kalalagyan ko pag balik ng San Francisco nag daan ang ilang panahon kinagat ko na rin yung offer ng GOV yung financial assitant FOOD STAMPS may cash aid pero di ko kinuha kundi food stamp lang mismo na kung saan kinukuha pa sakin ng nanay ko yung card na worth $250 na food stamp na binebenta pa nya sa tropa nyang kasugalan nya para maging cash. Araw-araw na ako'y nakiki tira sa magulang ko wala nang araw na sinasampal sakin na wala akong silbi at lumayas na ako pero kuya kong adik di nya ginaganon kaya one time napuno ako sinagot ko nanay ko NAY! ano ba naman kayo noong may work ako napapakinabangan nyo ako ang gwapo bango ko tas ngayon minsan lang ako nawalan ng work TAE NA AKO SA INYO!!!!??? sabi ko nay di ako habang buhay na walang work TANDAAN NYO YAN! tas lumipas nanaman ilang panahon naka hanap ako ng work security guard pa rin pero di ako nag last don kasi di ko feel at mahirap para sakin manghuhuli ng shop lifters na mga mas malaki sakin mga negro na mga bakulang ang lalaking tao na para lamang akong unggoy na kakapit sa braso nila na pwede akong tiklopin ng maka ilang beses na parang polong bagong laba so umalis ako delikado tas sahod ko ang liit $9.00 lang per hour kung saan dati kong work $13 an hour full benefits pa with full paid vacation pay na $13 times 180 hours so malaki di ba? Umalis ako nag quit ako tas nag apply sa mga dept store as gadget sales person o specialist pero walang tumanggap sakin kahit man lang bagger o taga ligpit ng mga shopping carts so sad at very frustrating meron pa nirefer ako ng kakilala ko ang akala ko iha-hire na ako kaso discrimination lamang inabot ko so another padagdag pagka dismaya nanaman inabot ko the more na nangyayari para lang sinasabi binubulong sa isip tenga kumukurot sa puso at kumakatok sakin kamalayan na di ako nararapat sa mundong ito U.S tas mapag birong panahon na hire ako bilang butcher napaka layo sa mga bagay na alam ko at previous job ko sabi ko pa non pang samantala lang yun pero naging pang samantagal kasi nag tagal din pala ako ng 3 yrs don pero sa loob ng 3 years unti-inti kong narealized walang future kaka work lalo nat minimum wage lang sahod ko wala pang benefits at matinding pagpapa alipin nangyari sakin don sa liit ng katawan at hina ng resistensya ko di ako nababagay don wala ring employers na magha-hire sakin basi sa mababang education meron ako. may mga panahon nag iinom ako mag isa muni-muni at bini-visualize mga bagay na nagawa kong mali at natanto ko mga bagay na dapat ko palang ginagawa. 

                      BRIGHTER DAYS

1. Natuto akong mag value ng time spend wisely ng 24  hours ko at dun nagkaron ng parang cartoons nangyari light bulb na para lang may bumulong sakin tang-ina mo pala eh may alam ka gamitin mo gawing mo iconvert mo into cash! 

                               SENSE OF DIRECTION

 2. So analyze sarili ko sumulat sa papel isip puso ko mga bagay na gusto kong mangyari sa buhay kasama na mga bagay na meron sa akin

3. Natutunan ko mag buy and sell sa online sa EBAY ilang araw lang kumita ako few hundred dollars

4. Mga hilig ko nung bata ko na pagkakalkal napakinabangan ko naging gadget technician ako pro audio specialist musician at inoffer ko sarili ko bilang repair guy sa ebay

5. Ginamit ko power ng internet sabay na hinarbis power ng ebay youtube cellphone di nagtagal kumita ako sa online at offline business ko sa U.S 

6. Lumipas ilang panahon unti-unti kong napag aaralan about Employment Finance Banks Business Investments at inanalyze real value ng education na kung saan dati naisip ko mag aral na kesyo may future kuno.

7. Taong 2013 bumalik ako sa pinas dahil namatay pinakama-mahal kong tito boy tas panahon rin na iyon kinasal ako sa aking asawa na kung saan parang destiny nangyari samin. nag sama kami ng isa o 2 days bilang mag asawa at balik sa U.S ulit

8. Pag balik sa U.S nag pursige ako sa work while doing my online offline business habang minamaigi kong maunawaan mga bagay-bagay sa investments "stock market" tas di nag tagal 1 year lang nakuha ko bagay na sa panaginip ko lamang nakikita at makukuha yung bahay sa online offline na pag buy sell repair business ko

9. Less than 1 year kinasal ako may bahay na ako habang nasa U.S nagwowork at may sariling small business

10. Mahabang parang maikli lang binubo ko para matuto sa investment lalo na sa stock market sa sobrang bilis ng panahon di ko na namalayan kung ano mga panahon at saan nga ba ako nag simula about stock market basta't alam ko lang hindi ako bumili ng kahit anong libro hinding-hindi rin ako umattend ng kahit anong free at paid seminars, umubos ako ng mahabang panahon sa pag aaral mag isa sumunog mismo ng actual cash na nagsilbing tuition fee ko para matuto

11. Naging love passion ko di lang pagdi-dj rap kundi yung pag salita pangangatuwiran explore ng makabuluhang topics kaya sinimulan kong mag create mga motivational videos sa youtube at facebook na kung saan walang may paki sakin ang tao mga panahon na iyn pero ok lang sakin kasi nahanap ko sarili ko na masaya sa pag gawa ng motivational videos till dumating mga panahon 2nd quarter ng 2015 inintroduce ko na sa youtube page ko about financial instruments mutual funds unti-unting dumadami viewers hanggang sa nilabas ko mga infos about stock market lalo na stock day trading dumami subscribers ko na kung saan laking tuwa ko kasi nasabi ko sa sarili ko worth it pala mga ginagawa ko kala ko sarili ko lang nakaka appreciate ng pinag gagawa ko na tawa ng tawa yosi laklak ng beer mura ng mura sa mga videos about education financial business investments. Di ko lubos akalain kaya ko palang ma-touch lives ng mga tao sa pamamagitan ng simpleng motivation at dun ko na rin natanto na maraming uhaw sa mga bagay na nalalaman ko na wala sa karamihan ke may pinag aralan o wala ke titolado man o hindi.

12. Nagawa kong mag full time job pag operate ng online offline business ko sa ebay habang nagko-compose ng new rap songs at mismong pag gawa ng motivational videos at pag aaral about stock market lahat ng pagpupuyat tiyaga pursige ko unti-unting akong napapalit sa pinaka matamis na future na aking kinamamatay na pangarapin noon.

13. Kahit ganon pa man naging resulta ng mga ginawa ko di ako gaanong naging kompate sa sarili patuloy pa rin akong nagwowork doing the same shit sa pag aakalang for now lang naman yun hindi iyon for life.

14. Narealize ko real value ng time pera education employment business at tamang pag gastos ng panahon tamang pag control ng emotion don ko natanto ng husto na dati kong kinakatakot na di ako maka balik sa pinas for good dahil sa takot akong mag hirap sa pinas nang dahil sa maling pananaw ko sa pera oras emotion, napaka laking sampal sa kamalayan ko na.... teka ano nga ba kalagayan ko dito sa U.S sa loob ng panahong 2001 to 2014????? MAHIRAP at ALIPIN LAMANG! narealized ko na naubos lamang panahon ko tumanda line of 30s na hindi ko na enjoy pagka binata ko na para lamang ninakaw ng panahon aking pagka bata.

15. Matagal ko nang nabi-visualize wala sa U.S mundo ko at laman ng aking instincts ay nasa pinas lang din mismo aking kapalaran hindi sa U.S hindi sa kung saang bansa kundi sa pilipinas na pinaka mamahal ko asam-asam at pangarap ko. 

16. Kaya ginawa ko sumugal ako matapos sa pag sasanay ng isip puso ko na dapat handa kong talikuran buhay U.S salaping dollars mga what shit of opportunities na meron ako sa U.S para lamang maisakatuparan na namamatay kong pangarap na maka balik at stay ng for good sa pilipinas. Iniwasan ko mga negative na tao at panay positive things lang aking pinakikinggan tinitignan pinag aaksayahan ng much time effort energy love passion wala akong pinakinggan lahat tinabla ko nanay kapatid relatives friends kakilala etc.. kahit anong sinasabi sa news paper sa tv sa media tungkol sa pinas di ako nakinig kasi aking narealize na ang bansang pilipina ay mayaman noon pa man at isa sa magiging matatag tanyag na bansa na pwedeng mangyari at any moment daig pa ang other country like U.S tas kung babase sa bible pinaka mayaman at tanyag na bansa unang babagsak at iyon ay ang Amerika

17. Bago ako nag decide na umalis at tuluyang talikuran ang U.S minabuti ko munang maka kuha ng kung ano-anong ideas na magagamit ko sa pinas na aking ikaka buhay at isa na don about sa stock market at other things na alam ko like pag gawan ng business na puhunan ay barya basura pera ng iba at lalo na puhunang laway.

18. Sa puntong na-notice nakilala naging popular ako sa youtube at facebook nag sync sa isip ko "Eto Na Aking Calling" aking gateway ticket upang tuluyang akong makapag stay for good sa pinas at isa pa sa panahon na iyon matatakot pa ba ako sa kabila ng marami akong nalalaman kung ikukumpara noong 2009 na wala akong alam? Sabi ko pa sa sarili at magulang ko kapag ako'y tumalikod di na ako muling lilingon pa ke mamatay mabuhay maging mahirap pa ako sa pinas nay sumunod na kayo sakin may idad na kayo di para isiping mabubuhay pa kayo ng 100 years maigihin itong ma-spend wisely etc..  

19. Oct 2015 dream came true bumalik ng pinas ng di pinanghihinayangan pinagsisihan naging desisyon kong tuluyang talikuran ang basang U.S, umuwi ako sa pinas na may dalang sapat na armas upang ako'y mabuhay ng simple sa pilipinas "KNOWLEDGE at HINDI CASH"

20. Nabuo aking first official company AlExOnZe Business Management Consultancy. Nabubuhay ako ng wala nang may hawak ng aking 24 hrs a day di na ako naghahabol sa oras di na susuong sa napaka habang traffic wala nang among susundin wala nang customers ng amo ko na mang aalipusta wala nang boss na tatapak sakin pagka tao nabura na sa buhay ko ang pagiging alipin lamang nagkaron na ako ng napaka laking ME TIME nakakapag bigay na ako ng equal time sa pamilya ko nakakain nabibili napupuntahan mga nais at iniibig ko at ng pamilya ko habang ako'y kinikilala nirerespeto ini-idulo sinusundan aking yapak ng karamihang tao ke titolado man o hindi. Dati mas mabigat pa sa bigat ko aking pilit na binubuhat na halos kinababali ng aking buto at kinatutuyot ng betlog ko, now? Pinaka mabigat na aking binubuhat loptop at coffee mug. Nabago pananaw ko sa oras salapi na bilang instrument lamang to exchange goods and service at ito'y padagdag stress frustration saking buhay, walang mahirap mayaman na bansa walang maliit malaking sahod at pera kundi iisa laman TIME at EMOTION nagsilbing kalaban at kakampi ng tao, tamang pagpapangarap tamang gawa ng constructive goals na may target and purpose at pagkaka unawa ang tao ay sadyang nabuhay ng walang kakuntentohan kaya pag balanse sa buhay ang mismong naging key sa buong buhay ko.

                              DREAMS

Ilang sa mga pangarap ko maging professional dj pero pagiging frustrated bedroom dj lamang inabot ko tas nangarap akong maging successful rap artist sa pinas maplay aking songs sa Philippine Radio pero di nangyari ngunit na play aking song Kailangan Ko'y Ikaw sa Kampus Radio ng Australia noong 2007 at in the end wala akong napala sa pagiging rapper kundi mga songs ko naka abot lamang sa pinas pinirata at nabibili sa bangketa songs ko sa wort 30 peso na now malamang 10 pesos nalang sa dami kong pangarap nais gawin kahit alin don wala akong kinahangtungan kundi mabuhay at malason ang isipan sa maling PAGPAPANGARAP

Nangarap akong maging dj gumawa ako ng dj signature base sa idea na mahilig ako sa COKE at sa bote ng coke sa tindahan ng lola ko naalala ko 8. oz tas ginawa ko nilagyan ng N sa gitna at E sa dulo kaya dj signature ko Dj Onze tas nagsawa ako kaka dj remix scratch etc... naboring ako sabi ko sa sarili mas maganda boses songs ko mismo pineplay ko so natuto akong mag compose ng songs gumawa ng beat from dj naging rapper ako at kahit papano sumikat ako. saan ko nakuha AlExOnZe? sa dj signature ko at sa first 4 letter ng real name ko. Alexander P. Carlos kunin ko Alex tas pinag dikit ko Onze = AlExOnZe "Biro ng pinsan ko kaya daw ako tinawag na alexonze dahil yung bata ako malaki tiyan madungis at ilong ko tumutulo sa left & right eh korteng 11?" bwahahaha. bata ako tawag sakin BOLDYAK KODYAK at kadalasan pag niloloko ako at nagagalit mismo sakin mga pinsan ko at tita ko sasabihin manahimik ka nga bo-boldyakin kita dyn makita mo bwahahaha

Pinangarap kong marinig makilala sumikat albums ko at sa pangalang tinatag ko AlExOnZe sumikat kuno pero di ganon ka big time pero may napala naman ako hindi pera kundi nabili ko mga panahong ako'y depress frustrated sa buhay rap o pagiging composer aking naging output. Tas lumipas ang ilang panahon maaring nakilala AlExOnZe sa pangalawang pagkaka taon this time wala sa music industry kundi sa financial at dito na mismo ang considered nakilala ng husto aking tinatag na pangalan AlExOnZe sa pinaka smart useful meaningful helpful way.

Dati rin nakakatawang isipin na nais o ibig kong maging teacher na kung saan ako nag sabi pero sarili ko binash ko sarili ko kinotcha ko sabi ko paano mangyayari yon wala kang natapos isa ka lamang na hamak na grade "para namang sinasabi mong tanga ako naman talaga" bwahahaha sabay lumipas ang panahon??? nangyari isang biro biro lamang naging professor pa mismo ng big time knowledge na wala sa school at mismong licensed teachers pa aking tinuturuan mismo.

Kung nabubuhay lamang sana aking lola na nagsilbing tatay nanay ko na araw-araw nya akong minumura habang iniiyakan nya ako dahil sa naiisip nyang wala daw akong kinabukasan ngayon isa at tanging sya lamang ang taong magpupunyagi sa aking mga narating naaccomplished sa buhay. at kung nabubuhay lamang din aking mahal at kasanggang tito boy isa rin sya na magpkakandarapang ako'y ipag malaki sa madla pero sympre buhay nga ng tao is unfair di natin makukuha lahat ng ating iniibig at kailangan nating mabuhay sa ganong thoughts and visions

                            LOVE LIFE

Pag dating sa love life? next question please at kung sakali isa lang isasagot ko PERA MATERIAL at katawan ko lamang ang habol nila sakin bwahahaha. Hanapin sa youtube aking song na All I Want Is Babaeng Truetoo isa yon sa mga storya ko sa buhay about love life.

May isang babae akong minsan inibig ng lubos hanggang naka uwi ko ng amerika patuloy akong tumupad saking mga pangako tulong sa kanya kapatid pamilya at mas inuuna ko pa saya kaysa sa sarili kong pamilya kapatid pamangkin na kaawa-awa. Noong una nagwoworry gf ko what if naka alis na ako anong mangyayari sa kanya iniwanan ko sya ng mga magagandang ala-ala kasama na rin masamang mga pinag samahan namin bilang mag nobyo noblya kung ano sinabi ko iyon ang nasunod kahit pa wala sya sa tabi ko sa piling ko sa pananaw nya araw-araw ko syang hinahanap-hanap na para akong tutang umiiyak dahil ako'y nawalay saking ina kahit anong pag sisigaw ng aking damdamin di nya magagawang marinig ito mga nais ibig kong sabihin di ko masab dahil hundreds of thousands of miles upang makarating aking nais na iparating sa kanya at nagkataong ako'y computer illiterate pa non ganon din sa financial pero nagagawa kong punan mga needs ko needs nya needs ng pamilya ko sa kakarampot kong kita. lumipas ang ilang panahon kamag anak kapatid kakilala etc... kung ano-ano ano na nabalitaan ko sa gf ko isa na dyn padala ako ng padala ginagatasan lamang ako pinagde date ng gf ko ang perang pinaghirapan ko sa NEW BF nya pero di ko ako nakinig at patuloy na pinupuri at sinasamba sya ngunit dumating mga panahong ako'y nagising sa katruetohanang di pwedeng sinupin ang taong ayaw magpa sinop mali ang pagaakala kong kaya ko syang buguhin so life goes on. Next na babaeng nag take advantage sakin kahinaan pera at material nanaman don lamang umiikot aming pag-ibig till minsan malaman ko nag kita muli sila ng ex nya na kung saan matagal na akong binabalaan ng pinsan nya na kesyo may isang lalake na patay na patay sya don di nanaman ako nakinig sinunod ko aking instinct at di nga nagkamali pinsan nyang nag bigay sakin ng babala nalaman ko buntis na sya PERO tinanggap ko pa rin sya mas mamatamisin kong malamang butis sya kaysa malaman kong hindi ako ang maghahari o naghahari sa puso isip nya binigyan ko ng isang chance ngunit sadyang di talaga pwedeng masinop isang taong ayaw magpa sinop sympre nag break kami matapos nya akong magatasan ng time effort energy kahit wag mo nang isama pa pera at material na very common na sakin na di ko naman totally kinasasakit ng damdamin dahil isa lang yun na bagay na paulit ulit kong makukuha as long na may time ako. dumating sa panahong nalunod ako sa maling paniniwalang magkaka balikan kami ng first love ko at tuluyan kong sinadyang magalit sa kanya pinag aralang kalumutan sya for good pero sadyang di ko kaya mahal ko pa rin sya for what she did where came from. lumipas ang panahon natutunan ko na rin mabuhay ng mag isa walang love life sinubsob ko buong buhay pagka binata ko sa kakatrabaho till umidad ako ng line of 30s don ko na meet aking asawa thru online na dapat sinusumpa kong di ako magkakarelasyon thru online napaka habang istory non ng nag meet kami na parang magical na destiny mula non natuto na akong magkaron ng direction nang matutunan kong irespeto sarili ko sinupin sarili ko sa ganong way di ako natanggap ng tao.

                            PRAYERS

Dati kong prayers sa buhay and dyos na magbigay tamang daan upang ako'y may mas magandang kinabukasan na haharapin sa amerika may maiwan man akong babaeng pinaka mamahal ko kung kami talaga sya na bahala na kami'y pag tagpuin muli, bigyan ako ng sapat na karunungan kalusagan upang aking ikaka unlad maging mayaman etc... WHICH IS MALING PRAYERS!

                             MONEY

Kahit anong pag tingin analyze ko sa buhay ko sa U.S o sa kahit nnong bansa babagsak ito lagi sa... Walang taong nabuhay na perpekto at tao na buhay ng walang kakuntentohan

About pera maka ipon kunwari religiously ng $300 a month x 12 months = $3,600 x 10 years = $36,00 x 45 a dollar = P1,620,00 lamang ito sa ika 10 years na kung saan mababa na ang value dahil kakainin ng inflation rate ilang percent non plus idad ko sa panahon binibilang ko ito 34 years old kahit pa bumilang ng $500 x 10 years = $60,000 x 45 a dollar 2.7M sya maliit pa rin eh ang thinking dapat 30 years old ka PLUS 10 years so considered 40 years old ka na now till when ka mabubuhay 200 years? NEVER di ba? tatanda ako ng walang pinagka tandaan gaya ng karamihang financially illiterate. 

About pera U.S vs Philippines? napaka laki ng differences pagn 10 years to 20 years na kita ipon sa U.S dito sa pinas nakukuha ko lamang sa mailking panahon maniwala man kayo o hindi mayabangan man kayo o hindi it's up to you at isa pa ibig ko lang sabihin kung nagawa ng taong tulad ko na walang titolo o pinag aralan mga bagay na ganito ay MAGAGAWA NYO rin! 

WALANG imposible kung magagawa nyong mag value ng time spend wisely ng iyong 24 hours a day at pagiging positibong tao lamang ang gagawin gumawa ng constructive goal na may target and purpose.

Naunawaan ko na ang future hinding-hindi kukuha ng energy information inspiration sa future kundi FROM THE PAST kaya maaga palang akin nang pinalalamon ng matatabang impormasyon malalakas na enerhiya insperasyon aking 5 to 10 years from now lalo na aking retirement days at pag labas at laki ng aking pamilya.

Since naintindihan ko mga maling bagay na ginagawa ko sa buhay ko naging prayers ko ay..

Panay FORGIVENESS good enough HEALTH and????? KNOWLEDGE 

                      RULES OF LIFE


















Aking position sa U.S

1. Laging negative each month
2. NPA laging walang permanenting tirahan
3. Napapaligiran ng negative na tao
4. Nabubuhay sa maling akala
5. Nalason isipang magiging maganda buhay ko sa U.S
6. Kahit mag work ng another 10 to 15 years walang mararating at di makaka ipon
7. ALIPIN ALIPIN ALIPIN LAMANG!

Aking position sa pag balik ng pinas

A. Age 34 Retired
B. House Owner
C. Enough Cash
D. Business Man
E. Own Company
F.  Investment
G. Motivational Speaker
H. Ghetto Financial Adviser
I. Stock Adviser
J. Stock Coach
K. Professor
L. Mentor
M. Considered Public Figure
N. Ini-idulo ng marami
O. Nirerespeto ng marami
P. Sinusundan aking yapak ng marami
Q. Inspiration ng maraming tao specially OFW
R. Kinikilala
S. Entrepreneur 
T. Tons of opportunities
W. Living simple and content
X. Nakaka tulong sa marami 
Y. Nagpapa laganap Financial Literacy
Z. May advocacy financial freedom


Simple Thoughts And Visions Became Not Just In Reality But In Actuality


                    
              AlExOnZe Words Of Wisdom

Failures are just about right for us to experience hardship that causes our emotions to react and think that we are indeed poor delivers chemical reaction in our brains demanding us to get our act together and stop being a bitch in our own lives. 

Time and emotion our worst and kind alliance it depends on how well you handle these invisible magnificent power tools.

Starting today lets start spending wisely most of our 24 hours a day and learn to control our emotions in a truthful way or else you will get what you're asking for! Being poor when you had reach your retirement days.

Money doesn't mean a damn thing and money cannot turn back the hands of time but time can correct all the wrong things that you had done from the past and make a big difference in the future. 

Time is gold time is Money! And Money Can't Buy Love but TIME can buy your future 5  to 10 years from now if you had learned to value and spend wisely your time and drove your emotions like a pro!

17 comments:

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Gus2 ko matuto,. Para makatulong din sa marami,
    Salamat ng marami sa mga video,.
    LODI!!! 😎

    ReplyDelete
  4. Habang akoy nagbabasa kinakalibutan ako kayo na Ang isa sa pinaka malakas at pinakamatapang na Tao saludo ako sayo sir Kung iniisip until Lang Ang nagmamahal sa inyo Tang ina nyo sir Isa nako sa mga nagmamahal sa inyo ipagpapray din Kita salamat at shinare mo buhay mo maraming maraming salamat.

    ReplyDelete
  5. Balang araw babalikan kita at sasabihing "putang ina mo alexonZe, maraming salamat sa inspirasyon at realisasyon na share mo sa akin" someday.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya later pag nagkita tayo mag murahan na tayo sa ating pagiging wagi sa buhay

      Delete
  6. Lodi...maraming salamat sa pagbibigay mo ng inspirayon sa mga kapwa natin pilipino isa nako dun. Mag value ng time para umunlad ang buhay...

    ReplyDelete
  7. 2016 nun una ko mapanood video mo s youtube... pero eto na push na to lodi... nagaaral na para pumasok sa mundo ng stock market... salamat sa malupet na inspiration

    ReplyDelete
  8. Ngayon alam kokna pinaag mulan moh sr alex..medyo hawig sa buhay ko salamat po sa pag shear ng kwento nyo marami po akong napulot..salamat

    ReplyDelete
  9. Maraming salamat idol sa pag share mo SA buhay mo...nakakaiyak at ang tapang mo idol..marami akong natutunan..salamat and Godbless u more..

    ReplyDelete
  10. Thank you sa pag share ngbuhay mo, na minsan nasa ibabaw, at minsan nasa ilalim,
    At dahil ngvalue ng time, emotion, and wealth ay mamamalagi na sa ibabaw.

    ReplyDelete
  11. Salamat IDOL sa pagshare ng inspirasyong kwento mo sa buhay. Hindi man ako nag sasalita ng BAD WORDS. pero sa ngayon P----- I-- mo IDOL ikaw na talaga. Aatend ako ng seminar mo idol. Salamat and God bless

    ReplyDelete
  12. Idol Alex bat ngayon lng kta napanuod?nanunuodako ng ibang gurus sa youtube mga traditional at nkapaskil sa youtube videos mo,pero nabura silang lahat ikaw na ang idol ko

    ReplyDelete